Loonie Featured Rapper
CHAT WITH OTHERS

Target - Kung wala ka


Artist: Target
Song: Kung wala ka

Itong kanta ay ginawa ko para sayo talaga 
Kasi gusto ko ipaalam sayo ang iyong halaga 
Sa buhay kong ito parang ikaw aking lakas, 
Ikaw lang ang masusunod, ikaw ang aking batas 

Ganito magmahal isang makatang tulad ko 
Hindi pa kayang higitan kahit sampung romantiko 
Kahit minsan ugali mo, di ko maunawaan 
ngunit ang ibigin ka hinding hindi pagsasawaan. 

Paano kaya ako pag ika'y nawala 
Baka hindi na makakain at laging tulala 
Pag ika'y lumisan baka ako'y mabuang 
Sa Buong katawan ko turnilyo ko'y luluwang 

Pano na kaya kung mawala ka 
Parang di ko kayang mabuhay mag-isa 
Ang nais ko lang ika'y ibigin 
Pagkat ikaw lang ang kaya kung mahalin 

Kung wala ka nga pala naku paano ba to 
Baka maya't maya na lang naisin kong magbato. 
Kahit na ayoko mapipilitang gawin 
At kung wala ka na baka panis ang nguyain. 

Kasi sa mundo na ito parang wala na rin silbi 
Baka kay Manny Pacquiao naisin kong magpagulpi 
Kahit ako'y umani ng mga tagumpay 
At kung wala ka sa akin araw gabing malulumbay. 

Kahit ako'y sumikat, kahit ako'y yumaman 
Di ko rin maeenjoy kasi wala ka naman. 
Wala ng musika, laos na ang harana 
Mas nanaisin ko pa ngang mundo ko'y bumaha na. 

Hindi na gagana ang isip kong malawak, 
Hindi na rin susulat lahat ng lapis ko na hawak 
Ayoko ng gumalaw kapag ika'y lumisan 
Baka hangarin ko na lang sumanib sa mga tulisan. 

Pano na kaya kung mawala ka 
Parang di ko kayang mabuhay mag-isa 
Ang nais ko lang ika'y ibigin 
Pagkat ikaw lang ang kaya kung mahalin 

Nawawala problema ko sa tuwing nakangiti ka 
Sa tuwing ika'y nalulungkot saking tabi halika 
Aking ipapakita pag-ibig ko na tunay 
Ako'y magsisilbing alalay mo sa habang buhay. 

Pagkat para sa akin ika'y walang katumbas 
Hindi kita pagpapalit kahit sa pagtutumbas 
Ngunit pag lumisan ka san ako lulugar 
Baka ako'y magsimula ng pangatlong world war. 

Pagkat para sa akin wala ng kwenta ang lahat 
Kapag ikaw ang lumayo ang mundo ko'y bibigat 
Mawawalan ng tamis puro pait at dusa 
At kung ako'y iiwan mo magiging taong grasa. 

Mawawala sa katinuan mawawala ang tapang 
Baka imbis na lumuhod sa simbahan gumapang 
Para lang ipagdasal na ika'y bumalik 
Kasi sayong pagkawala ako'y magkakasaltik - saltik3x 

Pano na kaya kung mawala ka 
Parang di ko kayang mabuhay mag-isa 
Ang nais ko lang ika'y ibigin 
Pagkat ikaw lang ang kaya kung mahalin 

Pano na kaya kung mawala ka 
Parang di ko kayang mabuhay mag-isa 
Ang nais ko lang ika'y ibigin 
Pagkat ikaw lang ang kaya kung mahalin


 
Copyright © 2012 Pinoy Rap Lyrics